Miyerkules, Enero 9, 2013

Magpakailanman

Nung una kitang nakilala,
Di ko akalain, Ika'y magiging mahalaga.
Hindi man kita lubusan pang kilala,
Ramdam ko, sa piling mo, ako'y masaya.


Di ko maipaliwanag sa'yo
kung anong meron ang tulad mo.
Basta ang alam ng puso ko,
Ika'y mahal, sana'y paniwalaan mo.

Ngayong akin ka na, sinta
di na ako muling iibig pa ng iba.
Dahil alam ko, sa'yo ako sasaya
at muling nabuhay ang kaluluwa.

Sana tayo ay magtagal
at tumibay ang pagmamahal.
Pangako sayo, di kita iiwan,
tayong dalawa, magpakailanman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento